DALAWANG bagay ang ipinagdiriwang ngayon ni Cristine Reyes. Una, ang kanyang 30th birthday, at pangalawa ay ang katuparan ng pangarap niyang gumanap na kontrabida, either sa pelikula o sa teleserye.

Cristine copy

“Noon ko pa hinihiling na gawin akong kontrabida, dahil sa loob ng maraming taon ay pagod na pagod na ako sa palaging inaapi at umiiyak. I want to do something mean or nasty for a change,” sabi ni Cristine.

Ang transformation ni Cristine bilang kontrabida ay mapapanood sa bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Nang Ngumiti Ang Langit. Aber, tingnan natin kung anong uri ng kalupitan ang ipakikita ni Cristine, at kung kamumuhian siya ng madlang televiewers bilang epektibong kontrabida.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

In honor of her age, 30 hot questions ang ibinato ni Boy Abunda, slam book style, sa guesting ni Cristine sa Tonight With Boy Abunda kamakailan. Salang-sala ang mga tanong na para bang sinabihan si Tito Boy na iwasan ang personal questions at baka mag walk-out si Cristine.

One question which she did not elaborate her answer ay ito: Anong payo ni Ara Mina ang iyong sinunod?

Meron naman daw kaya lang, “secret”.

Sa katanungang ano ang gagawin niya kung sasaktan siya ng isang lalaki, tawa at may halong birong sumagot ang aktres: “Bibili ako ng rifle and start firing.”

‘Tila dala pa rin ni Cristine ang role niya bilang assassin seeking revenge sa action film niyang Maria, kung saan puring-puri ang action scenes niya

-REMY UMEREZ