UUNAHIN ni Justin Bieber ang pagpapagaling sa nararanasang mental health problem bago ang paggawa ng kanta. Sa post niya sa Instagram nitong Lunes, sinagot ng 25 taong gulang na singer ang nagtatakang fans na naghahanap ng bago niyang album, at ipinaliwanag niya sa mga ito na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang sarili at si Hailey Bieber, ayon sa ulat ng Yahoo Music.
“I’ve toured my whole teenage life, and early 20s, I realized and as you guys probably saw I was unhappy last tour and I don’t deserve that and you don’t deserve that,” sabi ni Justin, “you pay money to come and have a lively energetic fun light concert and I was unable emotionally to give you that near the end of the tour.”
Noong 2017, biglang kinansela ng Sorry singer ang nalalabing shows ng kanyang Purpose World Tour, dahil sa “unforeseen circumstances.” (Nang kapanayamin ng Vogue ngayong taon, ipinaliwanag ni Justin na siya ay malungkot at depressed nang mga panahong iyon.
“I am now very focused on repairing some of the deep rooted issues that I have as most of us have, so that I don’t fall apart, so that I can sustain my marriage and be the father I want to be,” pagtutuloy ni Justin. Pinakakasalan niya si Hailey noong nakaraang taon, at habang walang pa silang planong magkaroon ng anak — that we know of — inamin ng 22 taong gulang na modelo na “very hard” ang kanilang six-month marriage.
“Music is very important to me but nothing comes before my family and my health,” sabi pa ni Justin.
Marami naman ang sumuporta sa singer, kabilang siyempre ang kanyang asawa. Comment ni Hailey, “that’s right… love you so much it hurts!!!”
Sabi naman ng nanay niyang si Pattie Mallette: “I’m so proud of you. You’re doing GREAT !!!!!!!”
Lahad naman ni Scooter Braun, ang longtime manager ng singer, “Yes sir!!!!!”
Mas naging bukas sa publiko si Justin tungkol sa pinagdaraanang mental health problem. Nitong buwan lamang, inamin niya na “(he’s) been struggling a lot” with “feeling super disconnected and weird.” Aniya pa, “I always bounce back so I’m not worried just wanted to reach out and ask for your guys to pray for me.”
Ang pahayag ay ipinost niya isang buwan makaraang maglabasan ang mga ulat na nagpapagamot si Justin para sa anxiety at depresyon. Sitsit ng sources, ang mental state niya ay walang kinalaman sa kanyang marriage.