Sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO4A), kinilala ang tatlo na sina Francisco Fernandez, 71, tubong Dumanhog, Cebu City; Cleofe Lagtapon, 66, tubong Negros Occidental, at  Gee Ann Perez, 20, tubong Lapu-Lapu City, Cebu, pawang taga-Bgy. Calumpang, Liliw, Laguna.

NDF images (3)

Sa rekord ng pulisya, si Fernandez ay tumatayong consultant ng NDF, at isa ring chairman at spokesperson ng Negros-Regional Deputy Secretary for Organization habang si Lagtapon ay tumatayong Regional Deputy Secretary for Communications -Regional Deputy Secretary for Education Komite Rehiyon- Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS).

Isa namang Regional Communications staff, ng KR NCBS

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

si Perez, 20, na tubong Lapu-Lapu City, Cebu, at taga-Calumpang Liliw, Laguna. Siya ang humahawak ng posisyon sa Regional Communications Staff, Komite Rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS).

Ang tatlo ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Laguna Provincial Intelligence Branch, Intelligence Service, AFP (ISAFP), District Intelligence Division Manila Police District- National Capital Regional Police Office (DID-MPD-NCRPO), 33 Military Intelligence Company (MICO), 1st Infantry Battalion (1IB), 202nd Infantry Brigade (202 Bde), Liliw Municipal Police Station at National Intelligence Coordinating Agency Region 7 (NICA7), sa hideout ng mga ito sa naturang lugar, sa kasong murder, dakong 5:16 ng madaling araw.

Nahuli sa pag-iingat ng tatlo ang tatlong cal. 45 pistol, tatlong magazine ng kalibre 45 pistola, 15 bala, tatlong granada, dalawang sling bags, back pack, mga dokumento at  tatlong cellular phones.

Ang mga ito ay nasa kustodiya na ng Military Intelligence Group Region 4 (MIG4) matapos silang maimbestigahan ng Laguna Provincial Police Office.

-DANNY ESTACIO