SA ipinatawag na dinner ni Atty. Ferdie Topacio kamakailan, ipinakilala niya ang pamangking si Giuliene Topacio Ronquillo, na plano ring pumasok sa showbiz.

Guilienne Topacio copy

Sinabi ni Giuliene na hilig niya talaga ang pagkanta, na namana niya sa kanyang pamilya at sa tiyuhing si Atty. Ferdie.

Paliwanag ni Atty. Ferdie, noon pa may interest ang pamangkin na pumasok sa showbiz or i-push ang singing career nito. ‘Yun nga lang, pinagbawalan muna niya ito dahil sobrang bata pa.

Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya

At ngayong 16 years old na, game na raw si Giuliene na tuparin ang pangarap.

Showbiz crush niya sina Daniel Padilla, Iñigo Pascual, Alden Richards, at Enrique Gil.

Nagagalingan at nagagandahan naman siya kina Liza Soberano, Maine Mendoza at Kathryn Bernardo.

Given a chance, game rin siyang umarte.

Bukod sa pagkanta at pag-arte, may ibubuga rin sa dance floor si Giuliene.

Nang matanong si Atty. Ferdie kung ano ang plano niya sa career ng pamangkin?

“Plano kong gawan siya ng album or kahit single. Pursigido ang bata, eh, sa pangarap niya. Magre-record muna kami ng mga songs niya na swak sa taste ng mga millenials ngayon.

“Binibigyan ko siya ng mga tips at advice na dapat niyang gawin sa pagsisimula niya ng career sa showbiz,” sabi pa ni Atty. Ferdie.

Ayon naman kay Giuliene, game siya sa mga posibilidad na puwedeng mangyari at wish niyang sana nga ay may space ang showbiz para sa isang tulad niyang newbie, upang matupad niya ang kanyang mga pangarap para sa pamilya.

-MERCY LEJARDE