Nag-alok ng P1-milyon reward ngayong Biyernes si dating Vice President Jejomar Binay sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa nasa likod ng pananambang sa executive secretary ng kanyang anak na si dating Makati mayor Junjun Binay sa Makati City.
Tinambangan si Monalisa Bernardo , 44, ng mga armadong sakay sa motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay sa Barangay Olympia, Makati, nitong Huwebes ng gabi.
"Handa akong magbigay ng pabuya na P1 milyon para sa anumang impormasyon na magtuturo sa mga nasa likod ng krimen," ani Jejomar.
-Jel Santos