Nadakip na ang ikaapat sa pitong suspek na inaakusahang humalay sa 16-anyos na babae sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkules.

RAPE_ONLINE

Kinilala ni Police Supt. Rey Magdaluyo, hepe ng Raxabago Police Station 1 (PS-1) ng Manila Police District (MPD), ang naaresto na si John Michael Carmelo, 19, alyas Jomel, ng 228 Lacson Street, Tondo.

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Carmelo nang unang malambat ang tatlong suspek na sina Anthony Gonzales, 25; at magkapatid na Prince Jomari Diwa, 20; at Paul Cedrick Diwa, 18, sa kanilang bahay sa Melalcalde St., Tondo, nitong Miyerkules.

National

Dahil sa Isra Wal Mi’raj: Enero 27, Muslim holiday — Malacañang

Sa nakuhang cell phone kay Gonzales, nadiskubre ang group chat ng mga suspek kung saan pinag-usapan nila ang ginawang kahalayan sa biktima.

Isang sex video rin ang nakita sa cell phone kung saan nahagip ang mukha ng biktima.

Mariing itinanggi ni Gonzales na sila ang mga lalaking nakuhanan sa video at sa halip ay tinukoy si Carmelo na kumuha ng naturang video, at huli umanong gumahasa sa biktima.

Mismong si Gonzales din umano ang nag-search sa Facebook account ni Carmelo, at nagturo sa mga pulis kung saan ito matatagpuan.

Agad na sinalakay ng mga awtoridad ang tahanan ni Carmelo bandang 3:40 ng hapon nitong Miyerkules, ngunit hindi ito naabutan hanggang sa maispatan.

Mariing itinanggi ni Carmelo na kasama siya noong gabing gahasain ng grupo ang biktima, ngunit inaming ginalaw niya ito kinabukasan ngunit hindi umano rape ang nangyari.

Ayon kay Carmelo, nobya niya ang biktima at nagpasama ito sa kanya para hanapin ang kanyang dalawang cell phone at nang magpahinga sila sa kanyang bahay ay may nangyari sa kanila, na sinasabing kinunan din nito ng video.

"Siya mismo ang nagsabi itong si Angelito na 'yung lalaki na kumuha na 'yun at ang nasa video ay si John Michael Carmelo. Siya yung lumalabas sa aming imbestigasyon, siya yung huling humalay doon sa biktima natin," ani Magdaluyo.

Sinabi rin ni Magdaluyo na talagang gawain ng mga suspek na manggahasa, at sa pamamagitan ng group chat ng mga ito ay nadiskubre ang modus operandi ng mga suspek.

Kakaibiganin muna umano ng mga ito ang babaeng kanilang bibiktimahin saka yayayaing uminom.

Sa sandaling pumayag ang babae, hahaluan nila ng pampatulog ang inumin nito upang mawalan ng malay saka hahalayin.

Matatandaang sa salaysay ng biktima, noong Martes ay niyaya umano Nahaharap ang mg suspek sa Rape in Relation to RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), habang si Carmelo ay kakasuhan sa paglabag sa RA 9995 (Anti- Photo and Video Voyeurism Act of 2009).

-Mary Ann Santiago