GEN. LUNA, Quezon – Isang dating rebelde ang dinukot at pinatay umano ng mga dating kasamahan sa kilusan sa Barangay Magsaysa, General Luna, Quezon, kamakailan.
Kinila ng General Luna Police ang biktima na si Cesar Buisan Umali,c 48, magsasaka, ng nasabing lugar.
Natagpuan ang bangkay nito na may tama ng bala sa ibabang bahagi ng pisngi, ayon sa ulat.
Natagpuan din ng mga imbestigador ang isang liham na nagmula sa Bagong Hukbong Bayan (BHB), katabi ng bangkay nito kung saan nakadetalye mga dahilan ng pag-usig ng mga ito sa biktima.
Si Umali ay dating kaanib ng mga rebelde ngunit tumiwalag umano ito.
Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
-Danny Estacio