Sa tulong ng closed-circuit television (CCTV) camera, bistado sa pang-uumit ng pera ang isang saleslady sa pinapasukan nitong establisyemento sa Makati City, iniulat ngayong Martes.

SALESLADY_ONLINE

Nasa kustodiya ng Makati City Police at nahaharap sa qualified theft si Ghembert Boie y Sabordo, 24, ng 2563 Cabanillas Street, Barangay La Paz sa nasabing lungsod.

Inireklamo si Boie ni Gay Carla Rosario y Malabag, 30, ng 4612 Aranda St., Bgy. Tejeros, Makati City.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa Sta. Cecilia General Merchandise na matatagpuan sa 4612 Aranda St., Bgy. Tejeros, bandang 7:30 ng umaga.

Ayon sa biktima, pinanood niya ang CCTV footage sa kanyang mini grocery nang makita ang suspek na kinuha ang pera sa cash registrar saka nagpunta sa banyo.

Agad na tumawag si Rosario ng tanod at ipinaaresto ang suspek, at nabawi ang P3,000 cash.

-Bella Gamotea