Nagkukumahog ngayon ang mga motorista sa pagpapakarga ng gasolina upang hindi maapektuhan ng panibagong oil price hike bukas ng umaga.
Sa pangunguna ng Caltex, dakong 12:01 ng umaga bukas ay nagtaas ito ng P1.45 sa kada litro ng gasolina, P0.40 sa kerosene, at P0.30 sa diesel.
Kaagad namang sumunod sa pagpapatupad ng taas-presyo ang Shell at Seaoil, bandang 6:00 ng umaga bukas.
Kaparehong taas-presyo sa gasolina at diesel ang ipinatupad ng Petro Gazz, PTT Philippines, at Eastern Petroleum.
Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Marso 12 huling nagdagdag ng P0.90 sa gasolina.
-Bella Gamotea