SA panayam kamakailan kay Angel Locsin, sinabi niyang napanood niya ang interview ni Karen Davila kay Nadine Lustre sa Headstart ng ANC, nang sinabi ng huli na gusto nitong makasama ang bida ng The General’s Daughter sa isang action film.
Nakapanayam si Angel sa special screening of NeoManila, at sinabi niyang she also felt honored that Nadine would want to work with her. “Napanood ko nga [‘yung interview kay Nadine]. Well, ibang level din naman, bilang hindi naman ako millennial, na ma-mention ng isang millennial, ‘di ba?
“It’s an honor especially galing pa kay Nadine. I’m excited na sakaling matuloy ‘yun,” sabi ni Angel.
Angel said she already has possibilities of what kind of storyline their movie could have, although she admits they would need someone to back it up first.
“May mga konsepto na ako sa utak ko kung anong maganda. Marami kasing nagsa-suggest na [puwedeng] parang So Close or Sisters, na parang ganun ‘yung dating.
“Tingnan natin, kasi si Nadine alam ko very creative siya, so malamang meron siyang mga ideas na puwedeng i-pitch din. Pero unang-una, sino bang magpo-produce? ‘Yun lang, ‘yun ang tanong eh,” sabi ni Angel, sabay tawa.
-Ador V. Saluta