ISANG bagong development platform para sa mga kuwentong Mindanao ang inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamamagitan ng Southern Voices Film Lab (SOVOLAB). Nakatuon itong tuklasin ang iba’t iba at natatanging kuwento at pananaw mula sa katimugan ng bansa at magbigay ng pagkakataon upang ang mga ito ay maging mga full-fledged projects.

Ang SOVOLAB, isang intensive script and development lab para sa Mindanaoan filmmakers, ay bukas sa lahat ng nagde-develop ng kanilang una, pangalawa, at pangatlong feature films mula sa rehiyon.

Ang deadline of submission ay sa April 12, 2019.

Anim hanggang walong projects sa advanced stage of development ang pipiliin. Sa loob ng walong buwan, ang mapapabilang na filmmakers ay dadalo sa tatlong workshop sessions sa Mindanao. Sasailalim din sila sa mentoring ng international at local experts para mas mapaganda ang kanilang screenplays.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Ang unang session ay gagawin sa Mayo, ang pangalawa ay sa Setyembre, at ang pangatlo naman ay sa Nobyembre. Kasama sa sessions ang script consulting at talks ng industry experts.

Ang pang-apat at huling session ay ang SOVOLAB Pitch Showcase. Ito ang final pitch ng participants sa jury at decision makers na gaganapin sa Davao City, sa Mindanao Film Festival sa Disyembre. Dalawang projects ang tatanggap ng P1 milyon co-production grant.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang official guidelines sa http://fdcp.ph/southern-voices-film-lab.

-Reggee Bonoan