Arestado ang isang 15-anyos na lalaki nang halikan sa leeg at labi ang isang natutulog na paslit sa Barangay Tumana, Marikina City, nitong Biyernes.
Nasa kustodiya ng Marikina City Police ang suspek, out-of-school youth, matapos na ireklamo ng 29-anyos na ina ng 6-anyos na babaeng biktima.
Sa reklamo ng ginang, naganap ang insidente sa Singkamas Street, Bgy. Tumana, dakong 8:00 ng gabi.
Natutulog ang biktima sa kanilang tahanan nang paghahalikan ng suspek.
Nagsumbong ang bata sa kanyang ina, na humingi ng tulong sa mga tauhan ng Barangay Security Force (BSF) ng barangay at mga tauhan ng Police Community Precinct 4 (PCP 4) at inaresto ang binatilyo.
Mahaharap ang suspek sa acts of lasciviousness in relation to RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).
Mary Ann Santiago