“MAPAGPATOL talaga ‘yang si JK (Labajo). Bata pa kasi, mabilis mag-react.”

JK

Ito ang iisang obserbasyon ng mga katoto sa batang rakista na minura ang isang fan habang nagtatanghal siya sa Rakrakan Festival sa Makati City kamakailan.

Hindi nagustuhan ng mga katoto ang sinabi ng batang rakista na misquoted si Teddy Corpuz nang hingan ng opinyon ang huli sa mediacon ng pelikulang Papa Pogi (Regal Films) tungkol sa inasal ni JK.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Naroon kami sa mediacon at narinig namin lahat ang sinabi ni Teddy, sa anong parte ba siya misquoted? E, kinowt lang naman ang frontman ng Rocksteddy, walang labis at walang kulang.

Sa bandang huli ay sinisi pa ni JK ang media na bakit daw tinanong iyon kay Teddy, eh, wala namang kinalaman ang huli sa pagmumura niya.

Kaya hiningi ang opinyon ni Teddy sa inasal ni JK ay dahil rakista rin ang una, at inalam lang ng press kung may parehong karanasan ba si Teddy.

Narito ang maliwanag na pahayag ni Teddy at hindi siya misquoted: “Meron siyang dapat social media responsibility. Sa character po kasi, lalabas at lalabas ang character mo sa gig kung sino ka talaga.

“Hindi ko sure if it’s an act to be a rakista kasi puwede akong kumanta na parang lasing, hindi ko alam kung act ba ‘yun o persona o sine-send nila o attitude or its their own true self.

“So, kung iyon ang totoong lumabas sa bunganga ni JK, siguro baka ‘yun siya. I don’t mean to disrespect JK kasama ko siya sa isang gig, two days ago lang pero hindi kami nakapag-usap.

“Gusto ko sana siyang kausapin o payuhan na, ‘hinay-hinay lang specially sa pagmumura’. Especially kasi ‘pag band ka, feeling mo cool ‘yung nagmumura ka o dahil rakista ka kaya ganyan.

“Baka lang kailangan ng isang guidance ng isang rakista to rakista, so kung may time kami mag-usap, puwede ko siyang i-encourage na, ‘steady lang sa ano, tawanan mo lang’.

“May ibang paraan din naman not to disrespectful sa (audience). Baka kasi na (pahiya) ‘yung sinabihan niya. Hindi mo rin kasi sure kung baka nagdyo-joke lang din siya (JK). Kung sa akin gawin ‘yun, tatawanan ko lang o kaya tatanungin ko kung gusto nilang kumanta ako (kanta ng ibang rakista).”

Nagbigay pa ng halimbawa si Teddy sa isang event.

“Pinakanta kami ng (theme song) ng Showtime, so kinanta namin. Tapos pinakanta kami ng Eat Bulaga, kumanta kami at hindi kami (nagalit o nagmura), may proper way to accept ‘yung mga ganu’n klase (pang-aasar).

“Kaya para sa akin, hindi cool sa isang rakista ang nagmumura. Kailangan may respeto pa rin sa ‘yo ang mga tao and you cannot gain the respect of other people, especially your listeners, kung minumura mo sila or pinepeke mo lang sila,” sabi ni Teddy.

-REGGEE BONOAN