Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Balut Island, Sarangani, Davao Occidental nitong umaga ng Sabado, Agosto 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang lindol bandang 10:42 nitong Sabado na may lalim na 10 kilometro.
Ayon sa ahensya, ang naturang lindol ay aftershock ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani at magnitude 6.5 na lindol sa Davao Occidental.
Naitala ang instrumental intensity I sa CITY OF GENERAL SANTOS; TBoli and Tupi, SOUTH COTABATO; Palimbang, SULTAN KUDARAT.
Samantala, inaasahan pa rin ang aftershocks matapos ang pagyanig.