August 01, 2026

Home BALITA National

'Di makatarungang pagdungis!' Sen. Legarda, umalma sa Ombudsman

'Di makatarungang pagdungis!' Sen. Legarda, umalma sa Ombudsman
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Mariing pinabulaanan ni Sen. Loren Legarda ang lumabas na mga paratang umano mula sa Office of the Ombudsman (OMB) laban sa kaniya at anak niyang si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste. 

Matatandaang inanunsyo sa publiko ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla noong Biyernes, Hulyo 31, 2026, ang nakatakda umano nilang pagkakasa ng preliminary investigation laban kina Legarda at Leviste. 

Ani Remulla, kaugnay umano ito sa hinawakang eksklusibong kontrata ng Solar Philippines Power Project Holdings Inc. (SPPHI) na itinayo ni Leviste noong 2013, na siyang lubhang nakasira daw sa Republika ng Pilipinas.

Diin pa niya, may kaugnayan umano si Legarda para makakuha ng eksklusibong kontrata ang anak niyang si Leviste sa kaniyang “solar empire” bilang chairman daw ng Senate Committee on Finance noon.

KAUGNAY NA BALITA: 'Malinaw na malinaw 'yong kaso!' Ombudsman, magkakasa ng imbestigasyon vs Rep. Leviste, Sen. Loren

National

Rep. Leviste, ex-Cong. Paras lagot sa NBI ugnay umano sa 'sex scandal plot' vs ES Recto!

Sa inilabas na pahayag naman ni Legarda sa social media noon ding Biyernes, idiniin niyang hindi raw siya kailanman lumihis sa landas ng integridad mula pa noong 1998. 

“Ang alegasyong ito ay isang hindi makatarungang pagdungis sa aking pangalan at dangal,” pagsisimula niya. 

Ani Legarda, wala pa raw silang natatanggap na anoman mula sa OMB kaugnay sa naturang isyu at buong katiyakan daw niyang sinasabing walang anomang batayan o katotohanan ang mga ibinabalita umanong paratang laban sa kaniya. 

“Walang pondo ng bayan na sangkot. Handa kaming ilahad ang katotohanan,” diin niya pa. 

Pagpapatuloy ni Legarda, hinihiling daw niyang maging mapanuri ang publiko sa mga alegasyon laban sa kaniya at nanindigan siyang malilinis ang kanilang pangalan sa panahon na mailahad daw ang katotohanan. 

“Buo ang aming paniniwala na kapag nailahad na ang buong katotohanan, mapapawalang-sala kami at malilinis ang aming mga pangalan,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Leviste, ex-Cong. Paras lagot sa NBI ugnay umano sa 'sex scandal plot' vs ES Recto!