TAYSAN, Batangas – Patay ang incumbent barangay chairman at isang kamag-anak nito matapos pagbabarilin ang sinasakyan nilang kotse sa Taysan, Batangas, kahapon ng umaga.

KAPITAN download (7)

Sa report ng Batangas Police Provincial Office, nakilala ang mga biktima na sina Rolly Loredo, 39, kapitan ng Mataas na Lupa sa naturang bayan, at Reynan Garbin, 29.

Sinabi ng imbestigador, sakay ng puting kotse (A1 D584) ang dalawa patungong Mataas na Lupa at nang makarating sila sa Bgy. Mahanadiong ay bigla na lamang pinagbabaril ang mga ito, dakong 8:30 ng umaga.

Naiulat na nilagpasan muna ng mga suspek na sakay ng puting Totoyota Innova ang mga biktima baso sila pinaulanan ng bala.

National

DOJ sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa Czech Republic: 'I have no specific answer yet as of now'

Tumakas ang mga suspek patungong Rosario sa nasabi ring lalawigan.

Matatandaang binaril at napatay din ng mga hindi nakikilalang lalaki si bgy. captain Eduardo Panganiban ng Panghayaan ng naturang bayan, habang inaayos nito ang kanyang kotse sa kanilang garahe, nitong nakaraang Disyembre.

-Lyka Manalo