May dagdag-presyo na naman sa gasolina bukas!

GAS

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Marso 12, ay magtataas ito ng P0.90 sa kada litro ng gasolina habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene nito.

Kaagad namang nagpatupad ng kaparehong price hike ang Petro Gazz, at asahan ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis.

Ang taas-presyo sa gasolina ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Politics

‘Culprit din ako do’n!’ Sen. Robin, aminadong siya nag-udyok na magtago si Sen. Bato

Marso 5 nang nadagdagan ng 10 sentimos ang gasolina, kasabay ng 35 sentimos na rollback sa kerosene at 10 sentimos sa diesel.

-Bella Gamotea