HALOS lumundag ang puso ni Donna Cariaga nang tanungin siya ni Coco Martin kung kailan ipalalabas ang pelikulang Papa Pogi na si Teddy Corpuz ang bida.

Si Donna ang nanalo sa segment na “Funny One” sa Season 2 ng It’s Showtime at dahil marunong umarte ay kinuha siya ni Coco sa aksyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano bilang asawa ni Pilipinas Got Talent grand finalist Season 6, Joven Olvido.

Kuwento ni Donna sa ginanap na Papa Pogi mediacon, “actually po sa set ng ‘Ang Probinsyano’ kahit nakikipag iruan si Direk Coco, hindi po namin siya masyadong malapitan kasi sobrang busy po niya. Kahit nakatengga kaming lahat (cast), siya rin po kasi ang nagdidirek sa unit namin (2 unit).

“Kaya nagulat po ako ng siya po mismo ang nagtanong sa akin, ‘kailan lalabas ‘yung pelikula mo?’ Sabi ko po, ‘ay alam n’yo po?’At sabi niya napanood daw niya ‘yung trailer at sabi pa na mukhang malaki ang role ko, sabi ko naman ‘opo.’

Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!

“Tapos sinabi ko na, ‘Direk kung may time ka po sa premiere invite po sana kita’ at sumagot po siya ng, ‘oo naman, ipaalala mo sa akin.’

“Hindi po ako umaasa kasi busy siya pero at least alam niyang (Coco) may ganu’n at parang sinusubaybayan niya po ang mga artista niya sa ‘Probinsyano’ kung ano ‘yung mga nangyayari sa amin.

“Tapos siya na rin po mismo ang nagpapakuwento kung ano ‘yung pelikula kasi kapag may oras naman po siya (Coco), nakikipagtsikahan sa amin.”

Dagdag naman ni Nonong Ballinan na kasama rin sa Ang Probinsyano, “at saka binibigyan niya kami ng advise para makapag-ipon po at sobrang supportive niya po sa aming lahat at alaga niya kaming lahat na cast.”

Kaya ang saya-saya nina Donna at Nonong dahil ramdam nila ang suporta ng Ang Probinsyano team sa pelikula nilang Papa Pogi na idinirek ni Alex Calleja at produced naman ng Regal Entertainment na mapapanood na sa Marso 20.

-Reggee Bonoan