August 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Talent manager ni Bea Alonzo, kumpirmadong nag-resign na

Talent manager ni Bea Alonzo, kumpirmadong nag-resign na
Photo courtesy: Rommel Llanes via PEP/MB

Nagbitiw na bilang talent manager ni Kapuso star Bea Alonzo si Shirley Kuan, na kinumpirma ng ilang insider na may kinalaman sa isyu, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Lumabas kasi sa mga tsika at ulat na hindi na raw si Shirley ang humahawak sa showbiz career ni Bea, na umano'y nag-ugat daw sa tila hindi pagkakaunawaan.

Batay sa mga kumakalat na tsika, umano'y masama raw ang loob ni Shirley dahil nakakaladkad daw ang pangalan niya tungkol sa naunsyaming kasal ng alaga sa boyfriend nito, na church wedding na gagawin sana sa Spain.

Nangyari naman daw ito matapos ang balita ng biglaang pagpapakasal nina Bea at fiance na si Vincent Co, na naganap noong Hulyo 13.

Matatandaang si dating senador at ngayon ay Makati City Mayor Nancy Binay ang nag-officiate ng kasal nina Bea at Vincent.

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, nagpa-picture sa ICC: 'Bagong tourist spot sa Netherlands!'

Agosto 11 pa lang daw ay nagbitiw na raw sa kaniyang tungkulin si Shirley, at ang kasalukuyan daw na pansamantalang humahawak sa career ng aktres, bilang interim manager, ay si Chris Cahilig.

Matatandaang si Shirley na ang humawak ng career ni Bea nang lisanin niya ang ABS-CBN noong 2021 at lumipat sa GMA Network.

Samantala, hindi pa nagsasalita ang dalawang kampo tungkol sa isyu.