Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Saudel, at pinangalanan itong "Obet," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong tanghali ng Lunes, Agosto 24.
Base sa tropical cyclone update ng PAGASA, pumasok ng PAR ang bagyo bandang 1:20 PM nitong Lunes.
Ayon sa weather bureau, posible itong maging isang super typhoon habang nasa loob ng PAR, ngunit ito ay lalabas din sa Martes ng umaga (Agosto 25).
Wala naman itong magiging direktang epekto sa bansa, ngunit hihilahin nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong linggo.
Ang bagyong Obet ang ikaapat na bagyo ngayong Agosto, at ika-15 ngayong 2026.