Muling na-extend ang medical leave ni Sen. Loren Legarda na inaasahang tatagal hanggang susunod na buwan ayon sa abisong ipinabatid niya sa Senado.
Ayon sa kampo ng senadora, muli siyang nag-file ng medical leave simula nitong Lunes, Agosto 24 hanggang Agosto 26 at panibagong leave ng Setyembre 1 at 2.
Noong Agosto 3 pa nagsimulang lumiban si Legarda sa Senado kung sana kinumpirma niya ang nauna niya noong medical leave mula Agosto 3 hanggang 5. Ito ay kasabay nang pag-usbong ng mga alegasyong ibinabato laban sa kaniyang anak na si Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste.
Kapuwa umalis ng bansa si Legarda at Leviste noong Agosto 2.
KAUGNAY NA BALITA: Mag-inang Rep. Leviste, Sen. Legarda lumipad palabas ng bansa!
“Magkahiwalay. Si Leandro Leviste, umalis noong August 2 papuntang Hong Kong. Si senator naman po, umalis noong August 2 rin. Magkaiba po na flight via Hong Kong, pero ang final destination is France,” ani National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Melvin Matibag sa panayam ng media noon.
Kaugnay nito, nauna nang nakiusap sa publiko si Legarda na huwag umanong malisyahin ang naging pag-alis niya sa bansa.
“I ask the public not to draw unwarranted conclusions from my travel or link it to the recent false and baseless allegations, which undeservedly besmirch a reputation that I have built over decades of public service,” giit pa niya.
Iginiit ng senador na isinagawa niya ang kaniyang medical leave alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng Senado.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Loren, nakiusap sa publiko; pag-alis niya ng bansa, 'wag daw intrigahin!
Magmula ng kanilang pag-alis ay hindi pa muli napapaulat o nakukumpirma ang pagbalik ng bansa nina Legarda at anak na si Leviste.