August 07, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Loren, nakiusap sa publiko; pag-alis niya ng bansa, 'wag daw intrigahin!

Sen. Loren, nakiusap sa publiko; pag-alis niya ng bansa, 'wag daw intrigahin!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nakiusap si Sen. Loren Legarda sa publiko na huwag gumawa ng mga walang basehang konklusyon kaugnay ng kaniyang pag-alis sa bansa, matapos niyang kumpirmahing nagsumite siya ng formal medical leave sa Senado mula Agosto 3 hanggang 5, 2026.

“I confirm that I filed a formal medical leave with the Senate covering August 3 to 5, 2026, in accordance with Senate rules,” anang senadora

Kasunod nito, hiniling ni Legarda sa publiko na huwag iugnay ang kaniyang paglalakbay sa mga umano’y mali at walang basehang alegasyon na kumakalat kamakailan.

“I ask the public not to draw unwarranted conclusions from my travel or link it to the recent false and baseless allegations, which undeservedly besmirch a reputation that I have built over decades of public service,” giit pa niya.

Iginiit ng senador na isinagawa niya ang kaniyang medical leave alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng Senado.

Politics

Dir. Matibag sa pagbiyahe ni Rep. Leviste sa France: 'Bon voyage!'

Matatandaang nitong Huwebes din nang naunang kinumpirma ni Matibag na positibo raw ang naging pag-alis nina Leviste at Legarda noong Linggo, Agosto 2, papuntang Hong Kong, ngunit France daw ang pinal na destinasyon ng mag-ina.  

KAUGNAY NA BALITA: Mag-inang Rep. Leviste, Sen. Legarda lumipad palabas ng bansa!

Dagdag pa niya, “Magkahiwalay. Si Leandro Leviste, umalis noong August 2 papuntang Hong Kong. Si senator naman po, umalis noong August 2 rin. Magkaiba po na flight via Hong Kong, pero ang final destination is France.” 

Diin ni Matibag, isinapubliko na raw nila ang pirmadong subpoena na ipinadala kay Leviste noon pang Hulyo 31 at nagawa pang makipag-ugnayan ng huli sa abogado bago ito makaalis.

MAKI-BALITA: Dir. Matibag sa pagbiyahe ni Rep. Leviste sa France: 'Bon voyage!'