August 07, 2026

Home BALITA Politics

Dir. Matibag sa pagbiyahe ni Rep. Leviste sa France: 'Bon voyage!'

Dir. Matibag sa pagbiyahe ni Rep. Leviste sa France: 'Bon voyage!'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Isang maikling mensahe ang ipinaabot ni National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Melvin Matibag sa pag-alis sa bansa nina Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste at kaniyang inang si Sen. Loren Legarda.

"Mag-ingat siya sa biyahe n'ya. Happy trip sa kaniya. Sabi nga ni Gen. Torre, 'Ingat po sa biyahe,” ani Matibag sa panayam sa kaniya ng media nitong Biyernes, Agosto 7, 2026.

Hirit pa niya, “At dahil papunta siya [Rep. Leviste] ng France, bon voyage!"

Nitong Huwebes din nang naunang kinumpirma ni Matibag na positibo raw ang naging pag-alis nina Leviste at Legarda noong Linggo, Agosto 2, papuntang Hong Kong, ngunit France daw ang pinal na destinasyon ng mag-ina.  

KAUGNAY NA BALITA: Mag-inang Rep. Leviste, Sen. Legarda lumipad palabas ng bansa!

Politics

'Gawang Recto lang!' Rep. Leviste, bumanat sa alegasyon sa kaniya sa scandal umano ni ES Recto!

Nang matanong ng media kung may posibilidad pa raw bang sumipot si Leviste sa subpoena sa kaniya ng NBI, sagot ni Matibag, “Nagpadala ng abogado. May mga kundesyones silang binibigay. But we have answers to that. Kung hindi sila dadalo, we have to do away with the investigation, we move forward. O yung iimbitahan namin yung apat na abogado.”

Matatandaang noong Huwebes, Agosto 6, nang hindi pansinin ni Leviste ang subpoena sa kaniya ng NBI hinggil sa inasagawang imbestigasyon sa umano'y "honey trap" allegation na iniuugnay kay Executive Secretary Ralph Recto. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Leviste, dedma sa subpoena ng NBI sa kaniya!

Sa kabila ng hindi pagdalo ni Leviste, sinabi ng opisyal na bibigyan pa rin siya ng isa pang pagkakataon upang humarap sa NBI. 

Itinakda ang panibagong petsa ng kaniyang pagdalo sa Agosto 11, kasabay ng muling pagharap ng iba pang sangkot sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa assassination plan laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Habang inaasahang ipagpapatuloy ng ahensya ang pagkuha ng mga salaysay at iba pang ebidensya mula sa mga personalidad na may kaugnayan sa kaso sa susunod na linggo.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Leviste, ex-Cong. Paras lagot sa NBI ugnay umano sa 'sex scandal plot' vs ES Recto!