August 24, 2026

Home BALITA

Babae, nagbayad ng ₱29k para itumba katrabahong nagpasibak sa kaniya!

Babae, nagbayad ng ₱29k para itumba katrabahong nagpasibak sa kaniya!
UNSPLASH

Natiklo ng mga awtoridad ang isang babae at dalawang lalaking nasa likod ng pamamasalang sa isang utility worker sa loob ng fast-food restaurant sa Nueva Ecija nitong umaga ng Lunes, Agosto 24, 2026.

Ayon sa mga ulat, planado ang naging pagpatay sa biktima na posible umanong nag-ugat sa alegasyon ng babaeng suspek sa motibo sa krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon na mariing sinisisi ng babaeng suspek ang pagkatanggal niya sa trabaho dahil umano sa panunulsol ng biktima sa kanilang management.

Ayon pa sa mga awtoridad, ang dalawang lalaking suspek ay ang gunmen na binayaran ng suspek upang itumba ang suspek. Tinatayang may kabuuang ₱29,000 ang ibinayad ng babaeng suspek sa dalawang lalaki.

Napunta sa driver ng motorsiklo ang halagang ₱13,000 na nagsilbing getaway vehicle habang ang ₱14,000 naman ay natanggap ng mismong gunman. Natukoy naman na ginamit ang natirang ₱2,000 na pambili ng baril na ginamit sa crime scene.

National

'Pagbabayad kay 'Clarisse Hontiveros,' petsa ng birthday ko!'—Sen. Hontiveros

Samantala sa tulong ng CCTV, nasakote ng pulisya ang mga suspek. Naunang nasukol ng mga awtoridad ang driver ng motorsiklo. Bunsod ng kaniyang pagkakahuli, pinangalanan at itinuro niya ang babaeng suspek na tumatayong mastermind ng krimen. Kalaunan ay nahuli rin ang mismong gunman.

Kapwa na silang nasa kustodiya ng mga awtoridad na nahaharap sa reklamong murder.