PLANTSADO na ang mga detalye sa taunang Freedom Run, na gaganapin sa Bataan sa April 14.

Una nang sinariwa ang 77th year ng makasaysayang Bataan Death March, sa pamamagitan ng Freedom Trail, a project by Philippine Veterans Bank. Isa itong paglalakbay sa actual routes na nilakad ng mga sundalong Pilipino noong World War II. Mahigit na 1,000 katao ang nag-participate sa event.

Samantala, sa . pamamagitan ng Freedom Run ay layunin ng organizers na panatiliing sariwa sa isipan ng publiko ang kabayanihang ipinamalas ng maraming sundalong nagbuwis ng kanilang buhay para matamo ang kalayaan.

Iniklian ang kilometrong tatakbuhin ng mga kalahok, at magkakaroon ng different divisions na maging ang mga bata ay puwedeng sumali.

Tsika at Intriga

'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan sa Philippine Veterans Bank sa 830-2274.

-Remy Umerez