GOOD news ang pagbabalik ng GMA Films sa pagpoprodyus ng pelikula pagkaraan ng mahigit tatlong taong pagtigil sa filmmaking.

Cast ng 'Family History'

Inihayag ng kompanya kasama ang Mic Test Entertainment, Inc. last Tuesday ang bagong project na may titulong Family History na ididirehe ni Michael V.

Ito ang post ni Michael V sa Instagram pagkaraan ng announcement na dinaluhan ng magiging cast ng kanyang pelikula: “Nagsimula sa pangarap, unti-unting pinagsikapan hanggang mabuo. Ito ‘yung pinagdaanan ng project na ‘to and we’re only halfway there.

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

“’Yung suporta n’yo ang naging puhunan ko…hayaan n’yo namang suklian ko kayo ng kahit isang pelikula.

“Kahit ga’no ka kabuwenas sa buhay, hindi palaging nangyayari lahat ng gusto mo. Pero as soon as natapos ang script reading with the cast, I can proudly say it’s official: We have a movie. More than that, we have a family.”

Itatampok ng GMA Films sa kanilang pagbabalik-pelikula si Dawn Zulueta kasama sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Paolo Contis, at Ina Feleo.

Positive news ang muling pagiging aktibo ng GMA Films sa movie production ngayong mainit na pinagdedebatehan ng entertainment industry people ang mga kinakailangang gawin para mapigilan sa tuluyang pagbagsak ang Philippine movie industry.

Nasa slump ngayon ang local films. Simula sa pagpasok ng taon, matamlay ang reception ng moviegoers sa mga pelikulang Tagalog. Tanging ang Alone/Together nina Liza Soberano at Enrique Gil under Star Cinema pa lamang ang box office hit ngayong 2019.

-DINDO M. BALARES