August 01, 2026

Home BALITA National

Ex-Sen. Bong Revilla matapos makapagpiyansa: 'God is good!'

Ex-Sen. Bong Revilla matapos makapagpiyansa: 'God is good!'
Photo courtesy: Ramon Bong Revilla Jr (FB)

Nagpasalamat si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa Diyos matapos niyang makapagpiyansa at pansamantalang makalaya. 

Pinahintulutan ng Sandiganbayan Third Division noong Biyernes, Hulyo 31, 2026, si Revilla na makapagpiyansa sa kinahaharap nitong kasong malversation na may kaugnayan sa umano'y "ghost" flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalagang ₱92.8 milyon.

Itinakda ng hukuman ang piyansa ni Revilla sa ₱1 milyon para sa kasong malversation. 

Nauna na rin siyang pinayagang makapagpiyansa ng ₱90,000 sa hiwalay na kasong graft na dinidinig ng Sandiganbayan Fourth Division.

KAUGNAY NA BALITA: Bong Revilla, nagbitaw ng ₱1M para pansamantalang makalaya!

National

'Di makatarungang pagdungis!' Sen. Legarda, umalma sa Ombudsman

Sa naging Facebook post naman ni Revilla sa kaniyang Facebook page noon ding Biyernes, sinabi niyang mabuti raw ang Diyos at makikita sa mga larawan na kasama na niya ang kaniyang pamilya. 

“God is good! Salamat po Panginoon” aniya. 

Screenshot mula sa FB post ni Revilla. 

Samantala, ibinasura naman ng Sandiganbayan ang mga petisyon para sa piyansa ng anim na kapwa akusado ni Revilla na pawang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office.

KAUGNAY NA BALITA: Bong Revilla, may ‘family time’ na, matapos makulong ng 6 na buwan—legal counsel