Sa pangalawang pagkakataon, isang HIV patient ang nasa sustained remission mula sa virus na tinawag ng mga eksperto nitong Martes na patunay na balang araw ay magagamot din ang kondisyon na nagdudulot ng AIDS.

HIV_

Halos sampung taon simula nang unang makumpirma ang kaso ng isang HIV-infected person na nagamot sa nakamamatay na sakit, isang "London patient" ang hindi nakitaan ng senyales ng virus sa loob ng halos 19 na buwan, iniulat ng mga doktor sa journal na Nature.

Kapwa ang “Berlin patient” at ang “London patient” ay sumailalim sa bone marrow transplants para lunasan ang blood cancers,  tumanggap ng stem cells mula sa donors  na may genetic mutation na makikita sa halos isang porsiyento ng Europeans na pumipigil sa pagkapit ng HIV.

Metro

Libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 ikakasa mula Abril 30-Mayo 3

"It is a landmark. After 10 years of not being able to replicate (the first case), people were wondering if this was a fluke," sinabi ng lead author na si Ravindra Gupta, professor sa University of Cambridge.

"I think it is important to reaffirm that this is real and it can be done," ani Gupta sa AFP.

Maingat na tinanggap ng mga eksperto ang pahayag nitong Martes.

Sinabi ng International AIDS Society na ang mga resulta para sa ikalawang pasyente "reaffirm our belief that there exists a proof of concept that HIV is curable".

Sinabi ni Sharon Lewin, director ng Peter Doherty Institute for Infection and Immunity, na ipinakita ng pangalawang kaso na "feasible" o posible ang lunas.

-Agency France-Presse