BUKAS ang Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) sa anumang suporta mula sa pribado at ahensiya ng pamahalaan, higit sa Philippine Sports Commission (PSC) upang mapalawig ang programa nat mapangalagaan ang mga student-athletes na kanilang isasabak sa 30th World Universiade sa Napoli,  Italy sa Disyembre.

IGINIIT ni FESSAP Executive Vice President Robert Calo (kanan) ang kahandaan para magbuo ng delegasyon na isasabak sa World Universiade ngayong taon sa Italy sa kanyang pagbisita nitong Huwebes sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kasama sina PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (gitna) at TOPS prexy Ed Andaya.

IGINIIT ni FESSAP Executive Vice President Robert Calo (kanan) ang kahandaan para magbuo ng delegasyon na isasabak sa World Universiade ngayong taon sa Italy sa kanyang pagbisita nitong Huwebes sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kasama sina PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (gitna) at TOPS prexy Ed Andaya.

Ilan taon na ring napagiwanan ang FESSAP sa aspeto ng suportang pinansiyal bunsod na rin ng hindi maayos na ugnayan sa dating pamununa ng Philippine Olympic Committee (POCX).

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

"FESSAP will continue to knock on the PSC door for support. Kung para sa atleta,  naniniwala ako na hindi sila magkakait ng tulong. We also reaching out with the POC, hopefully ma-reconsider din ang FESSAP para mabigyan ng recognition,” pahayag ni FESSAP executive vice president Robert  Calo sa kanyang pagbisita sa "Usapang Sports" ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

Ikinalungkot ni Calo, pangulo rin ng Philippine Inter-Schools, Colleges and Universities (PISCUAA), na ang panggigipit ng POC sa pamumuno noon ni Peping Cojuangco ay nagbunga nang pagalsa-balutan ni chess Grandmaster Wesley So at sumapi sa US Team kung saan nakuha niya ang Wolrd No.2 ranking.

Naghinampo si So nang hindi kilalanin ng POC at ng PSC, sa pamumuno noon ni Chairman Richie Garcia, ang gintong medalya na napagwagihan ni So sa 2013 edition ng Universiad sa Kazan, Russia.

"GM Wesley (So) made all of us proud with his 2013 Kazan Universiade gold - a first for the country. We have two other silver and bronze medallists who were also not recognized. Sana hindi na maulit,"  pahayag ni Calo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng PSC at NPC at napapanood ng live sa Facebook live via Glitter Livestream.

Sa kabila nito, patuloy ang programa ng FESSAP at pursigido na makapagbuo ng koponan para maipadala ngayong edisyon.

Ayon kay Calo, nakalinya na paea sa 29th Winter Universiade sa Krasnorarsk, Siberia sa Marso 2-10.

Nakatagpo naman ng FESSAP ang bagong supporter sa Philippine Volleyball Federation (PCF) na pinamumunuan ni Edgardo "Boy" Cantada.

"We fully support FESSAP  and their program to suppirt student-athletes and we will try to help in whatever way we can,"  pahayag ni Cantada.

Kasama ring dumalo sa programa sina Azkals  mainstay at 7s footvall organizer  Anton del Rosario at CBA-Manila team coach Raymond Reyes.