Dinampot ng mga tauhan ng Eastern Police District -District Mobile Force Batallion (EPD-DMFB) ang ama na itinuturong nanggahasa sa dalawa nitong anak sa Pasig City, nitong Huwebes.

AMA

Kinilala ni EPD director, Police Chief Supt. Bernabe Balba ang suspek na si alyas Mon, 54, construction worker, ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa bisa ng warrant of arrest, si Mon ay inaresto sa kanyang trabaho sa Karangalan, Manggahan, Pasig City, dakong 8:00 ng gabi.

61-anyos na OFW, natagpuang patay sa bahay ng employer

Nahaharap ang suspek sa 2 counts of Statutory Rape, sa sala ni Hon. Assisting Judge Carmelita V.P. Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159, matapos umanong gahasain ang kanyang mga anak noong 2018.

Mary Ann Santiago