Nasa kabuuang 16 na katao na sakay sa isang elevator sa PBCom Tower sa Makati City ang nagtamo ng mga sugat nang pumalya ito nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Red Cross (PRC).
Ayon sa Operations Center ng PRC, isinugod ang mga sugatan sa Makati Medical Center, at Ospital ng Makati.
Pinabulaanan ng PRC ang mga ulat sa social media na nahulog ang elevator mula sa 52nd floor patungong fifth floor. Hindi rin umano ito totoo ayon sa
Makati police, sinabing ito ay exaggerated.
Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, Makati police chief, nasa 28 katao ang sakay ng elevator na pumalya sa ganap na 11:30 ng gabi.
Aniya, ang elevator ay “service elevator”, at hindi dapat gamitin nang walang operator, sinabing paulit-ulit pinindot ng mga pasahero ang buttons ng elevator kaya ito pumalya.
"There were 28 people aboard the service elevator. That is a ‘service elevator’, its should be used with an operator. However, they still rode it despite there was no operator. They just kept pushing buttons there that is why it malfunctioned," sabi ni Simon sa BALITA.
Pagsapit sa 47th floor, aniya, nagsimula itong pumalya. Nagsimulang bumilis, at humihinto kada palapag. Walang pagkakataon ang mga pasahero na lumabas sa elevator dahil sa mabilis na pagsara.
"On the 47th floor, the elevator started malfunctioning. It went down quickly on every floor then stops all of a sudden, causing passengers to hit each others head," aniya.
Pagsapit sa ground floor, nahilo ang mga pasahero at ilan sa mga ito ang nagsuka.
"Some of them were vomiting upon reaching the ground floor. They were very dizzy and weak after the incident that is why some of them were rushed to nearby hospitals," pahayag ni Simon.
-Jel Santos