LAGI na lang natsitsismis na buntis ang kilalang aktres dahil sa pagbabagong pigura nito at pahulaan nga kung sino ang boyfriend nito ngayon dahil masyado siyang secretive.

Hanggang sa na-link siya sa morenong aktor pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil hindi pa masyadong seryoso ang guy dahil bagets pa. Kaya naman naghanap si kilalang aktres ng iba at na-link naman sa non-showbiz guy pero hindi rin tumagal.

At dahil secretive nga ang kilalang aktres, hindi nabalitang naging boyfriend pala niya ang tisoy na aktor na kung ilarawan niya ay, “sikat na sikat siya ngayon.”

Dahil masyadong intimate sina tisoy na aktor at kilalang aktres, inakala ng una na baka magbunga ang kanilang pagmamahalan na tumagal lang ng limang buwan.

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Mabuti na lang daw at wala, kaya sure siyang wala siyang anak sa pagkabinata. Hindi naman kiss and tell ang tisoy na aktor nahuli lang namin sa kuwento.

In fairness maraming aktor ang may crush sa kilalang aktres at duda nga namin ay gusto siya ng isa sa mga kasamahan sa teleseryeng kinabilangan niya.

-Reggee Bonoan