Aarangkada ang inisyatibang “libreng sakay” ng pamununang Light Rail Transit Authority (LRT)-2 para sa lahat ng may National ID sa lahat ng Miyerkules ngayong Agosto 2026.
Batay sa anunsyo ng LRT-2 nitong Sabado, Agosto 1, ang libreng sakay para sa kanilang mga pasahero ay isasagawa ng Agosto 5,12,19, at 26 mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at 5:00 AM hanggang 7:00 PM.
Kinakailangan lamang ng mga pasahero ipakita ang kanilang physical ID card, printed paper, o digital copy ng National ID sa security personnel ng station.
Sa kaugnay na ulat, iraratsada rin ng pamunuang Metro Rail Transit (MRT)-3 ang kanilang libreng sakay para sa lahat ng National ID owners sa lahat ng Miyerkules ngayong buwan ng Agosto.
Kasunod nito, magkakaroon din sila ng pa-libreng akay sa darating na Setyembre 16 bilang komemorasyon sa Global Identity Day.
MAKI-BALITA: DOTr, may pa-libreng sakay sa lahat ng may National ID