July 31, 2026

Home BALITA Metro

DOTr, may pa-libreng sakay sa lahat ng may National ID

DOTr, may pa-libreng sakay sa lahat ng may National ID
Photo courtesy: MB

Iraratsada ng Department of Transportation (DOTr) ang inisyatibang “libreng sakay” sa Metro Rail Transit (MRT)-3 para sa lahat ng may National ID kada  Miyerkules ngayong Agosto 2026. 

Sa inilabas na abiso ng DOTr nitong Biyernes, Hulyo 31, isasagawa ang libreng sakay sa Agosto 5,12, 19, at 26, mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at 5:00 PM hanggang 7:00 PM. 

Binanggit pa ng ahensya na magkakaroon din ng libreng sakay sa darating na Setyembre 16, bilang komemorasyon sa Global Identity Day. 

Kinakailangan lamang ipakita ng mga pasahero ang kanilang National ID, na maaaring physical ID, digital ID, o ePhil ID na naka-paper format. 

Katuwang ng pamunuang DOTr-MRT3 ang Philippine Statistics Authority (PSA) upang maisakatuparan ang libreng sakay para sa mga pasahero. 

Metro

May tulak, may kita? Torre, sinabing sinasadyang barahan ang drainage para kumita sa pagbaha!

Bukod dito, kasalukuyan ding nagsasagawa ng National ID Registration ang PSA sa MRT-3 Araneta-Cubao Station at Taft Avenue Station.