Hindi pinalagpas ng social media personality na si "Jam Magno" ang isyu ng tungkol sa pasaring ni Sen. Imee Marcos na may "impakta" raw sa Malacañang, na bagama't walang binanggit na direktang pangalan, ay tila tumutukoy kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Noong Martes, Hulyo 28, binanggit ng senadora sa kaniyang video na may “ICC” sa loob ng Malacañang
Sa naturang video, sa halip na "International Criminal Court," ang nasabi ng senadora na kahulugan ng letrang I ay impakta—at bigla na lamang itong naputol sa katagang “Clai.”
Noong Miyerkules, Hulyo 29, agad namang bumwelta si Castro tungkol dito.
"'Yong ganoong salita, hindi ko kasi siya sinasabi, hindi ko siya nababanggit kaya kay Maricel ko na pinabanggit. Hindi ako sanay sa mga ganoong salita. Hindi ako normal na nagsasalita ng ad hominem sa kapwa ko. So, kung sila ang nakapag-describe ng ganoong salita, alam nila kung ano ang ibig sabihin nito; alam nila ang deskripsyon ng salitang impakta,” buwelta ni Castro sa isinagawang press briefing ng Palasyo.
Aniya pa, “It takes one to know one, kaya kung sila ay affected sa aking mga nababanggit dahil tayo’y kumakalaban sa fake news, at iyan ang kanilang pananaw, isang impakta ang kumalaban sa fake news? Sino ngayon ang naglalarawan ng totoong impakta? ‘Yong gumawa ng video? ‘Yong kasama sa video? ‘Yong nagdirek ng video? ‘Yon ang masasabi nating totoong naglalarawan ng salitang ‘yan.”
Maki-Balita: 'It takes one to know one!' Castro pinalagan 'Impakta' remark ni Sen. Imee
Samantala, tila binanatan naman ni Jam ang senadora sa kaniyang TikTok video kamakailan, bagama't hindi niya ito direktang pinangalanan.
"Ang totoong impakta ay hindi si Claire Castro. Paano na naging impakta ang isang tao na ginawa lang naman niya ang trabaho niya? Isa pa, between you and her, dapat nga ang ginagawa ni Claire Castro, ginagawa mo dapat. Kasi ikaw yung ate 'di ba?"
Dagdag pa niya, "Ang totoong impakta ay ang ate na insecure sa kapatid niya. Ang ate na hindi matanggap-tanggap na ang kapatid niya ay Presidente, at dapat rumespeto siya sa administrasyon nito."
"Hindi yung ikaw na nga dapat yung ate, ikaw na nga dapat ang manenerbisyo sa kapatid mo, mas ikaw pa yung gumagawa ng problema. Iyan ang totoong impakta," aniya.
Matinding banat pa niya, "Impaktang mukhang mangga. Impaktang mangga. Leave Claire Castro alone. Kasi kung impakta siya, mas ka. Mas ka at kaibigan mong mas impakta pero walang opinyon sa Pax Silica. Tapos gusto n'yo, siya President tapos ikaw yung Vice? Pass sa mga impakta!"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Sen. Imee tungkol dito.