HINDI pa dumadaan sa masusing pagre-review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang Pansamantagal, starring Bayani Agbayani, Gelli de Belen at DJ Chacha. Hindi kaya magkaproblema ito sa gunting ng censors board, dahil may malalaswang eksena ang movie? Sa trailer pa lang kasi, diretsahang binabanggit ng tatlong bida ang maselang bahagi ng lalaki, ang t**i. Meron din daw frontal nudity, at pati si Bayani ay may mga eksenang nakahubad.

bayani-agbayani copy

Sa panayam kay Bayani, sinabi niyang hindi niya alam ang magiging reaksiyon ng MTRCB kapag ni-review na nito ang pelikulang idinirek ni Joven Tan.

“Tingin ko, triple X ‘to. Baka hindi ito ipalabas sa mga sinehan,” biro ni Bayani. “Baka sa Betamax na. Ibalik natin ang Betamax.”

Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

Naniniwala si Bayani na iba na ang mga jokes ngayon na nasasakyan ng millennials kaya hindi naman magiging bastos sa ibang manonood ang dating ng kanilang pelikula.

Aniya, okay lang sa mga mi l l eni a l s ang di r e t s ahang pagbanggit sa mga salitang bastos. Iyon daw ang tema ng kanilang pelikula na sana ay tanggapin ng wholesome viewers niya sa telebisyon.

Katwiran pa niya, idinaan naman daw sa komedya ang malalaswang salita at maging ang ilang frontal nudity ng film.

“Ito kasi ‘yung comedy na matapang ang mga dialogues dito, matapang ang istorya, matapang ‘yung mga eksena.

“ S a a k i n , h a ? B i l a n g pinangangalagaan ko ang wholesome televiewers ko, pero dito, sumugal ako. Kasi, tingin ko, maintindihan ito ng millennials,” sabi ni Bayani.

“Ganun na ngayon, eh. T a n g g a p n ama n n a , e h . Tanggap na ng tao ‘yung mga ganung klaseng jokes, eh.” Ang inspirasyon daw ni Direk Joven sa role ni Bayani ay ang yumaong character actor na si Nonong de Andres, o mas kilala bilang Bangky.

Na h i h i r a p a n l a n g partneran ni Direk Joven si Bangky noon hanggang makahanap sila ng beauty queen, pero hindi na inabot ng character actor ang nasabing pelikula.

Mukhang kay Bayani t a l a g a n a k a l a a n a n g Pansamantagal, na ipapalabas na sa Marso 20.

-Ador V. Saluta