Nilagdaan ni Pangulong Duterte at ganap nang batas ang panukala na nagkakaloob ng karagdagang leave benefits para sa mga manggagawang ina sa pampubliko at pribadong sektor.
Kinumpirma ngayong Huwebes ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang paglagda ng Presidente sa Expanded Maternity Leave Act na nagpapalawig sa maternity leave sa 105 araw.
"Signed yesterday," pagkumpirma ni Medialdea sa text message.
Ang bagong batas ay nagkakaloob ng 105 araw na paid maternity leave sa lahat ng manggagawang ina, at karagdagang 15 araw sa solo mothers.
May opsiyon din ang mga ina na magdagdag ng 30 araw ng unpaid leave.
-Genalyn D. Kabiling at Beth Camia