Ipatutupad ang panibagong oil price increase bukas, Pebrero 19.

TUMAAS NA NAMAN! Nagkakarga ng gasolina sa Maynila ang isang trabahador. Simula bukas ng umaga ay tataas ng 70 sentimos ang kada litro ng gasolina at diesel, habang 35 sentimos naman ang madadagdag sa kerosene. (JANSEN ROMERO)

Sa abiso ng Shell, nagtaas ito ng P0.70 sa kada litro ng gasolina at diesel, at 35 sentimos naman sa kerosene.

Epektibo ang oil price adjustment, dakong 6:00 ng umaga bukas.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Agad na sinundan ng Seaoil ang kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo.

Kapareho ang taas-presyo sa gasolina at diesel sa ipinatupad ng PTT Philippines at Petro Gazz.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa katulad na oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang Pebrero 12 nang huling nagtaas ng presyo ng langis, kung saan aabot sa P0.90 ang idinagdag sa gasolina, P0.85 sa kerosene, at P0.55 naman sa diesel.

-Bella Gamotea