TOP-trending sa Pilipinas at buong mundo ang Debate 2019: The GMA Senatorial Face-Off, na umere nitong Pebrero 9 sa GMA 7.

Mel Tiangco copy

Marami ang humanga sa husay sa pag-handle ng nasabing debate ng mga moderator na sina Vicky Morales at Pia Arcangel. Mainit ding pinag-usapan kung gaano kagaling ang debate panel members na sina Jessica Soho, Arnold Clavio, Howie Severino, at Mel Tiangco.

Karamihan nga ay inihalintulad ang first round ng nasabing debate sa thesis defense, kung saan pahirapan talaga ang pagsagot sa mga tanong ng panelists sa mga kandidato.

Joel Torre, proud na nakatrabaho mga dakilang direktor sa Pilipinas

Hindi na nga raw kataka-taka na tinawag sina Jessica na pillars ng GMA News and Public Affairs, dahil talaga namang matatameme ang sinumang kandidato na hindi handang sumagot sa mga tanong at isyung ibinabato sa kanila.

Approved sa netizens ang ginawang debate na ito ng Kapuso network. Marami raw kasi sa kanila ang nakilala pa nang mas mabuti ang mga senatoriables.

Kudos sa lahat ng nasa likod ng Debate 2019!

-MERCY LEJARDE