Ang pagkakaroon ng pending case sa korte ang sinisilip na dahilan ng pagbibigti ng isang teenager sa Valenzuela City.

TEEN

Sa ulat, nadatnan ang biktima, 17, ng kanyang ama na nakabigti sa puno sa tapat ng kanilang bahay sa Barangay Bignay sa nasabing lungsod, dakong 3:37 ng madaling araw ngayong Linggo.

Humingi ng tulong ang ama ng biktima sa mga kapitbahay at isinugod ang binatilyo sa ospital, ngunit huli na ang lahat.

Napag-alaman na nakatanggap ang biktima ng subpoena mula sa Meycauayan City Prosecutor’s Office para sa kasong snatching at physical injuries, at kailangang dumalo sa hearing sa Pebrero 22.

Tsika at Intriga

'Dun ka sa idol mong perpekto!' Talak ni Mark Yulo sa basher, may pinapatamaan?

Simula noon, balisa at hindi umano mapalagay ang binatilyo.

Nag-post din umano ito sa social media ng, "Paalam."

-Orly L. Barcala