PAGKATAPOS tuluyang maghiwalay ng landas sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria after eight years of being together, ipinakilala na ng vice governor ng Cavite nitong Valentine’s Day ang bago niyang pag-ibig, na walang iba kundi ang beauty queen na si Angelica Alita.
Sa Instagram post ng actor nitong February 14, nag-iwan siya ng isang matamis na mensahe para sa Bb. Pilipinas 2016 runner-up.
“Angel, happy Valentine’s Day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life. You’ve been caring, loving and supportive to me. I love you and will always will,” caption ni Jolo sa litrato nila habang magkaakbay.
Sa hiwalay na post ni Angelica, sumagot siya: “Hey handsome, thank you for being so thoughtful. Happy Valentine’s Day. I love you.” Kalakip ng post ang larawan niya na may hawak na isang bouquet of flowers galing kay Jolo.
Dalawang linggo na ang nakalilipas nang mag-umpisang pag-usapan na nililigawan ni Jolo ang Bb. Pilipinas 2016 runner-up. Ito ay matapos makita si Angelica sa isang larawan sa birthday celebration ng anak ni Jolo na si Gab.
Si Jodi ang huling nakarelasyon ni Jolo, na tuluyang natuldukan noong Hulyo ng nakaraang taon, pagkatapos ang walong taong on-and-off relationship nila. Si Angelica naman ay galing sa two-year relationship kay Brian Poe Llamanzares, ang businessman na panganay ni Senator Grace Poe.
-NITZ MIRALLES