VERY blessed ang Pambansang Bae na si Alden Richards, dahil sa pagpunta niya sa Reykjavik, Iceland for a few days vacation, sa first day pa lang niya roon ay nagpakita na sa kanya ang Aurora Borealis.
Kaagad ipinost ni Alden ang pambihirang experience niyang iyon.
“Thank you for showing yourself up. #auroraborealis #iceland2019,” caption ni Alden sa litrato ng pambihirang masilayan pero inaabangan ng marami na Northern Lights.
Bale si “Aurora Borealis” nga ang Valentine’s date ni Alden, dahil late sila sa Pilipinas sa oras. Sa 2:27 am na post niya ay Valentine’s Day pa rin sa Pilipinas.
Ang Iceland ay nasa pagitan ng Russia at Finland, at dinarayo talaga ng mga turista ang lugar para masilayan ang Aurora Borealis between October to March. Tumagal nang 30 minutes ang pagsasayaw ng Northern Lights, ayon sa report ng GMA News TV kahapon ng umaga.
Masuwerte nga si Alden dahil may mga pumupunta roon na gustong makita ang Aurora Borealis, na nagsasaboy ng matingkad na green lights sa kalangitan, pero hindi pinalad na masaksihan ang napakagandang phenomenon na ito.
Naalaala namin ang mag-asawang Raffy Tima at Mariz Umali, ng GMA News & Public Affairs, na nagkuwentong ilang araw silang nag-aabang sa Aurora Borealis, pero hindi ito nagpakita sa kanila. Pero sa huling gabi nila roon, na akala nila ay bigo silang makita ito, biglang nag-appear sa kalangitan ang Northern Lights.
Ganoon din ang nangyari kay Kris Bernal at sa boyfriend ng aktres, ilang gabi silang naghintay pero sa last night nila roon, ay saka lang ito nagpakita sa kanila.
Kaya naman maraming nag-congratulate kay Alden matapos niyang i-post ito sa Instagram, kabilang na sa kanila sina Dingdong Dantes, Allan K, Ruby Rodriguez, Gabbi Garcia, ang Daddy Bae niya niyang si Richard Faulkerson, sina Teresita Sen, Joey Abacan, at Direk Louie Ignacio. Lahat sila ay nagsasabing masuwerte at blessed si Alden na nasilayan niya kaagad ang Aurora Borealis.
Pero kung maraming natuwa para kay Alden, may bashers pa rin. Hindi raw naman si Alden ang lalaki sa picture, hindi raw kamukha ng aktor. May nagsabi ring hindi raw naman sa Iceland pumunta si Alden.
Kaya ang nasabing bashers, kinuyog ng sagot ng mga fans ng aktor, na hindi raw magpo-post si Alden kung hindi siya iyon.
Kasamang pumunta ni Alden sa Iceland ang travel buddy niyang si Jenny Ferre, creative head ng Eat Bulaga.
Sa Monday, February 18, ay nasa bansa na si Alden.
-NORA V. CALDERON