HANDANG-handa na si Karla Estrada sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang comedy movie na Ang Familia Blandina sa Pebrero 27.

Huling napanood si “Queen Mother” sa pelikulang Gandarappido, isa sa mga Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entries. Kasama ni Karla sa nasabing pelikula ang kaibigang si Vice Ganda, na kasa-kasama rin niya sa It’s Showtime kapag sumasalang siya bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan”.

Ipinagmamalaki ni Karla na kakaibang pagpapatawa ang mapapanood ng mga madlang pipol sa kanyang bagong pelikula, dahil riot din sa pagpapatawa ang mga kasamahan niyang komedyante gaya nina Jobert Austria, Marissa Delgado, ang child star na si Xia Vigor, ang future hearthrob na si Marco Gallo, at iba pa.

Sa trailer pa lang ng pelikula na ipinasilip sa premiere night ng Alone/Together last Tuesday ay maraming naaliw sa karakter ni Karla at sa kanyang pamilya, na halos lahat sila ay blonde. Tuklasin n’yo raw kung bakit halos lahat sila ay blonde.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

“Yes, sa February 27 na ang Familia Blandina. Abangan n’yo dahil pinaghahandaan natin ang premiere night, ang press conference, at mag-full blast kami (ng promo) after ng Valentine’s Day,” sinabi ni Karla sa interview ng PUSH.

Aniya, mas pinili niyang idaan sa tawa ang nararamdamang kaba para sa kanyang pagbabalik-pelikula.

“For some reason, ‘yung kaba ko, nauuwi sa excitement, eh. Hindi ako kinakabahan na parang nerbiyos, eh. Nae-excite ako kasi nakakatawa na parang umabot na ako sa punto na panoorin n’yo, nakakatawa ang laki-laki ko sa screen,” natatawang sabi ni Karla.

-ADOR V. SALUTA