MUKHANG too late na ang pag-enter sa showbiz ni 2012 Miss World Philippines Queenie Rehman.

Queenie Rehman copy

Isa si Queenie sa mga bida ng Reality Films horror movie na Second Coming, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin.

Aminado naman si Queenie na si Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez ang nagbigay-daan upang makilala niya ang Reality Films producer na si Dondon Monteverde.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

“I met Sir Dondon through him. He actually helped to be part of this group,” bungad ng 26-year-old model-beauty titlist, na ngayo’y contract artist na ng said film company.

Wala rin siyang pakialam sa pag-amin na nagkaroon sila ng relasyon ni Dan.

“We’re friends na lang now, because he’s my ex. We’re good friends,” pag-amin niya.

Pero hindi na siya nagdetalye tungkol sa nakaraan nila ng actor-politician.

Ngayon ay gusto nang ituon ni Queenie ang atensiyon niya sa kanyang showbiz career.

Thankful siya dahil naging bahagi siya ng Second Coming, na idinirek ni Jet Leyco.

Masuwerte rin si Queenie dahil magagaling ang artistang kasama niya, at naging kaibigan na raw niya ang lead actress na si Jodi.

“I became close with Jodi. Same tent kami, and may mga nasi-share din siya sa akin about tips for acting. So, for me, I was really comfortable working with her,” kuwento ni Queenie.

Sa February 27 na ang showing ng Second Coming, na almost two years in the making, dahil sa mahirap pagtugmain ang mga schedule ng mga pangunahing karakter.

Pero sulit daw at proud si Queenie sa pelikulang ito.

Magaling kumanta si Queenie, at gusto rin daw niyang mag-focus sa kanyang singing career, lalo pa’t first love niya ang pagkanta.

Pinaghahandaan na raw nila ngayon ang first single niyang ginawa ni Direk Joven Tan at ipapasok daw nila ito sa Spotify.

Ma g a l i n g d i n siyang mag-beatbox, a n g t a l e n t n a ipinanlaban niya nang sumali siya s a Mi s s Wo r l d Philippines.

“My greatest passion is singing talaga, and I just want to venture in acting so I can challenge m y s e l f , ” pagtatapos pa ni Queenie.

-Ador V. Saluta