NAKAKATAWA ang tanong ni Jak Roberto. Paano raw matulog sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz), dahil nga kabilaan ang mukha nila sa iisang ulo sa serye nilang Kara Mia?

Barbie at Jak copy

Iba’t iba ang nabasa naming sagot ng netizens, at sa presscon, sisiguraduhin naming itatanong namin ito kina Barbie at Mika.

Inaabangan na ang Kara Mia, na magpa-pilot sa February 18, kapalit ng Cain at Abel. Hindi pa man kasi nagsisimula ang taping, nagkalat na ang memes at parody online ng Kara Mia. Ang latest na nakita naming nag-post ng meme ay si Angelika dela Cruz, kapatid ni Mika.

Tsika at Intriga

Charo Santos natunaw sa hiya sa sinabi, ginawa ni Jim Paredes sa kaniya

First ito na pagsasama sa isang show ng magdyowang Jak at Barbie, at sila pa ang magkapareha. Masaya ang dalawa at tuwang-tuwa rin ang kanilang supporters.

Ang Kara Mia ang itatapat ng GMA 7 sa top-rating na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Nape-pressure tiyak sina Barbie at Mika, dahil sila ang magdadala sa drama series; title role sila at pangalan nila ang nakataya.

Tingnan natin kung paano nila sasagutin ang tanong tungkol dito. Kaya ba nilang talunin ang power ni Coco?

-Nitz Miralles