HULING termino na ni San Juan City Mayor Guia G. Gomez kaya ang kanyang Vice Mayor na si Janella Ejercito Estrada ang ineendorso niya para pumalit sa kanya sa eleksiyon sa Mayo 13.

Base sa panayam namin kay Vice Mayor Janella ay itutuloy niya ang magagandang programa ni Mayor Guia, at dadagdagan na lang niya lalo na ang dahil major problem ng lungsod ay ang kahirapan.

“Actually, national problem is kahirapan at dito sa San Juan ganu’n din. Ang plano ko sana is bigyan ng trabaho ‘yung mga taga- San Juan. Kaya tayo nagpagawa ng ordinansa na lahat ng business establishment dito sa San Juan na 50% ng empleyado nila ay taga- San Juan para mas mabigyan ng oportunidad ang mga taga San Juan, dahil marami naman pong marunong at skilled workers dito sa San Juan.

“Yung iba kasi sa malayong lugar pa nagtatrabaho kaya sabi ko why not gawin natin dito ang ordinansa para sumunod sila,” kuwento ng dalaga.

Tsika at Intriga

Jellie Aw, nag-react sa chikang nagkabalikan na sila ni Jam Ignacio

Kontra rin siya sa droga.

“Nu’ng tumatakbo akong vice mayor ng San Juan nu’ng 2016 tungkol sa drugs. Actually sabay nga kami ni President (Rodrigo) Duterte ng same advocacy. Before kasi iba ‘yung may hawak ng city anti-drug abuse, ‘yung kalaban ko, ang Vice Mayor ang may hawak ng CADA (city anti-drug abuse).

“Nu’ng time po niya wala talagang nagawa. Kaya sabi ko nu’ng konsehal ako, sana ‘pag tumakbo akong vice mayor, ipahawak sa akin ni Mayor (Guia) ‘yung CADA. Dahil alam kong kaya kong gawin dahil ang plano ko no’n is lahat ng gumagamit ng bawal na gamot is ipapa-surrender natin and then bibigyan natin sila ng programa na makakatulong sa kanila.

“Actually alternative lang ‘yung ginawa ko kasi wala tayong rehabilitation building dito sa San Juan, kaya ginawa kong rehabilitation sa barangay. Which is nag-undergo sila ng 6 months and ‘pag wala nang positive (sa drugs) sa kanila at okay na sila at magaling na.

“Nang grumadweyt na sila ay almost 300 surrenderee’ at magagaling na silang lahat ay nangako ako na bibigyan ko sila ng bagong buhay at bagong pag-asa.

“Kaya ang ginawa ko, ipinasok ko silang lahat sa City Hall at doon na sila lahat nagtatrabaho as job order. Meron sa center sa environment, sementeryo, meron sa traffic, meron sa vet, ‘yung mga nanghuhuli ng mga (nakalat) na aso, mga naglilinis ng ilog. Kahit maliit po ‘yung kinikita nila, at least may kinikita at hindi na sila babalik sa dating bisyo nila,” pahayag pa ni Janella.

Hindi pa raw drug-free ang siyudad nila.

“Tina-try po naming maging drug-free, actually out of 21 barangays, may 10 barangay na tayong na-drug clear. ‘Yan ‘yung na-assess ng PDEA na wala nang gumagamit ng drugs. May 11 barangays pa at on-going na ang assessment nila hopefully next month.”

Burado na ba sa plano ni Janella ang showbiz na una niyang naisip noon?

“Oo wala na, politics na ang calling ko,” saad nito.

Pero may mga kaibigan naman daw siya sa showbiz hindi nga lang daw madalas ang pagkikita dahil abala siya sa trabaho.

-Reggee Bonoan