Sumakabilang-buhay ngayong Sabado ang komedyanteng si Bentong, tunay na pangalan ay Domingo Vusotros Brotamante Jr., sa edad 55.
Inihayag ni Arvin Vincent S. Anierdes, manugang ni Bentong, na pumanaw ang aktor sa bandang 5:00 ng umaga ngayong Sabado sa Fairview General Hospital.
“Rest in Peace Papa Bentong hindi ko akalain na heto na ang ating huling pagsasama naten alam ko kasama mo na ang Panginoon ngayon kaya panatag na rin ang loob ko,” post ni Arvin sa Facebook.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang ibang detalyeng inihahayag tungkol sa pagkamatay ng aktor.
Bukod sa pagiging komedyante, tanyag din si Bentong sa kanyang pagho-host sa television shows ni Willie Revillame na Wowowee at Wowowin.
Napanood din siya sa Luv U at Toda Max ng ABS CBN.
Noreen Jazul