ALIW na aliw kaming binabasa ang 249 comments at 108 shares habang sinusulat namin ang balitang ito kahapon tungkol sa ipinost na litrato ni Arjo Atayde kasama ang love of his life na si Maine Mendoza sa kanyang Facebook page nitong Miyerkules, pasado 11:00 ng gabi.
May kasamang babae sina Arjo at Maine, na kung hindi kami nagkakamali ay related ito sa aktres. At kung tama rin ang hinala namin ay kuha ito sa nakaraang block screening ng ‘TOL sa Cinema 76, malapit sa LRT 2 Anonas Station, na ginanap nitong Sabado, bandang 10:00 pm.
Kaya kami naaliw basahin ang mga komento ng AlDub fans ay dahil sila-sila ay nagpapaliwanagan sa isa’t isa na tanggapin na si Arjo para kay Maine, pero ayaw naman maniwala ng iba. Anila, binubuwisit lang daw sila ni Arjo sa pagpo-post nito sa litrato nila ng dalaga.
Komento ni Ash Manansala: “Sige na, sa ‘yo na si Maine, pero puwede ba, tigilan mo na kaka-post ng pic nyo? Mag-move-on muna kami, **ta. Nambubuwist pa, eh!”
S a g o t n a m a n n i F l o r e n c e J o y Baguhin: “Easy, kuya. Hahahahahaha.” Sabi naman ni Jaycee Adriano: “Oo nga naman, bakit ba kasi kailangan pa mag-post ng pic n’yo? Hirap mag-move on, Arjo, ah! Sa ‘yo na si Maine, sa ‘yo na, oh! Saksak ko sa baga mo! Pero ‘wag mambuwist, lint*k naman! Nakakagigil eh!”
May ibang opinyon naman ang isa pang AlDub fan na si Vince Macasio: “Para sa kaalaman n’yo lang, hindi si Arjo Atayde ang gumagamit ng acc na ‘yan, kaya ‘wag muna kayong manghusga. Sa real acct nga n’yan dalang-dalang mag-post tapos dito sa FB na maraming t*nga pa siya magpo-post. Isip-isip din, tsk.” Hindi naman kami sigurado kung kasama sa grupo si Louie Nieto, dahil may payo siya sa bashers: “Kawawa naman kayo, ang daming puwede problemahin sa mundo, ang buhay pa ng ibang tao ang inaatupag n’yo. Buti sana kung nakakabuti sa kapwa n’yo ang pinaglalaanan n’yo ng oras n’yo. Gumawa kayo ng tama sa kapwa para maging positibo ang buhay n’yo.”
May isa pang tanggap na ang kapalaran nina Alden at Maine, si Roda Bombio: “Fan din naman ako ng AlDub pero dahil nakikita ko naman na sa sa TV lang talaga sila (Maine at Alden Richards) ganyan ka-sweet. Kaya tanggap ko na hindi sila magiging GF-BF in real life. Hellooo, aminin n’yo, dahil kay Maine kaya sumikat si Alden.
“Pero ngayon, guys, meron isang lalaki na naglakas-loob na ligawan si Maine in real life. Tanggapin n’yo na lang, AlDub fans. Sorry to say that pero totoo walang Alden at Maine in real life, sa palabas TV lang lahat ‘yan.
“Talagang pinapaasa n’yo pa ‘ung sarili n’yo na meron pa pag-asa sina Maine at Alden, noh? Ayyyy, naku naman. ‘Wag maniwala sa mga ganyan. Sa kanila na mismo nanggaling na dating sila at ‘pag meron new friend kailangang kilalanin. So bakit mo kikilalanin ang isang tao kung wala kang gusto din sa kanya, ‘di ba? Isip-isip din.”
Hirit naman ni Lalisa Manoban: “Hangga’t suot ni Maine ‘yung singsing ng AlDub, AlDub pa rin kam, at hanggang hindi sinasabi ni Maine ang status nila ni Arjo, AlDub pa rin kmi.”
Kaya suot pa ni Maine ang singsing ay dahil sa love team nila ni Alden sa GMA, at care bears naman ni Arjo tungkol dito dahil alam niya na sa totoong buhay ay sa kanya ang aktres.
Hayaan na lang na si Arjo ang umamin na exclusively dating sila ni Maine at huwag ninyo nang i-pressure ang aktres na umamin, dahil pinapahalagahan pa rin niya ang love team nila ni Alden.
Pero sana ang ibang AlDub supporters ay maging bukas ang mga isipan kung sino ang gusto ni Maine sa totoong buhay, at kung sino ang pang-love team lang.
Anyway, parehong nasa labas ng bansa sina Arjo at Maine bukas, Pebrero 9. Ang aktor ay patungong Los Angeles, California USA bilang isa sa guests sa concert ni Maja Salvador, na may titulong Maja on Stage live in Virginia Beach. Makakasama rin sina Joseph Marco, Vin Abrenica at Pooh.
Si Maine naman ay sa Canada ang tungo para sa event ng isang kilalang cosmetic brand.
Magkaibang bansa ang tungo nang dalawa, pero posibleng magkita sila if ever, depende iyon sa usapan nila at kung saan nila gustong pumunta. O ‘di ba, sa ibang bansa na ang date nila.
-REGGEE BONOAN