TULOY na ang pagsasadula ng Maalaala Mo Kaya sa life story ni former Special Assistant to the President Bong Go.

Vice at Joseph Marco

Maraming netizens ang hindi natutuwa sa pagsasadula sa buhay ng dating opisyal ng Malacañang sa MMK, na ipalalabas na sa Sabado, February 9, 2019.

Si Joseph Marco ang gaganap na Bong Go sa drama anthology ni Charo Santos-Concio sa ABS-CBN, at katakut-takot na batikos ang inaani ngayon ng aktor dahil sa pagtanggap niya ng nasabing project.

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

May mga nananawagan para iboykot si Joseph at ang MMK dahil hindi nila matanggap na isinadula ng nasabing award-winning TV program ang kuwento ng buhay ni Bong Go.

May mga pumuna na hindi bagay na gumanap na Bong Go si Joseph dahil hindi sila magkamukha.

“Hoy, masyadong pogi si Joseph Marco for Bong Go, tsaka since real life story naman ‘yung content ng MMK, spill n’yo nga ‘yung totoo sa mga pinaggagagawa nila sa bansa, sa gobyerno. Anooo? I dare you,” komento ni @vviivnina.

Mayroon din namang ilan na suportado ang pagganap ni Joseph bilang Bong Go sa MMK.

Hindi nag-iisa si Joseph, dahil binabatikos din si Vice Ganda dahil si Bong Go ang special guest niya sa February 3 edition ng Gandang Gabi Vice.

Tulad ng mga panglalait kay Joseph, masasakit at matitindi rin ang natatanggap na salita ni Vice mula sa netizens na nagsabing pinili nilang huwag panoorin ang Gandang Gabi Vice dahil sa guesting ni Bong Go.

Nanawagan din ang detractors ni Bong Go na iboykot ang GGV, dahil hindi sila natutuwa na pumayag si Vice sa nasabing guesting, at inaakusahan nila ang TV host na nagpagamit nang interbyuhin sa kanyang programa ang aspiring senator.

Pagkatapos umere ang nasabing GGV episode, bumaha ang mga negatibong komento ng netizens laban sa Sunday evening show ng It’s Showtime host.

-ADOR V. SALUTA