LAST Friday, February 1, naanyayahan kami sa Marikina Heights para sa selebrasyon ng National Arts Month at Month of Love, at kasama ang iba’t ibang sektor mula sa Marikina City, mga government agencies, ang academe, at mga private institutions, nagkaisa ang mga Mariqueños na gumawa ng One Big Group Hug event, entitled “Happy Hugs for Love and Respect”.

Layunin nitong palaganapin ang awareness, and encourage family and community na suportahan, sa halip na layuan ang mga taong living with HIV, persons with mental health challenges, and anyone who feels they need a hug or they want to share a happy warm hug.

Nag-umpisa ang programa sa free film showing ng Ang Timeline Ng Buhay ni B., starring Cogie Domingo at Lotlot De Leon. Isa itong advocacy movie about an adolescent male who finds out he is infected with HIV and must face the stigma attached to it.

Bukod kina Lotlot at Cogie, kasama rin sa pelikula ang mga baguhang indie artists na sina Carl Labra, Regie Pasion, at Billy Domingo, written and directed by Crisaldo Pablo, and produced by The LoveLife Project for Health and Environment, Inc.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Sa ginanap na dialoque sa mga nakapanood ng film, sinabi ng tagapagsalitang si Regie na sa datos na 35/day na nahahawahan ng HIV nationwide, posibleng kabilang ang mga taga-Marikina sa mga dinapuan na ng nasabing karamdaman.

Ipinaalala ni Regie na ang mga persons with HIV ay nangangailangan ng aruga, acceptance, at respeto sa kanilang pinagdadaanan.

The new HIV and AIDS Law has just been passed and yet recently, news about shortage of some medicines given to persons living with HIV came out on television and social media. Some organizations and people afflicted with HIV attended the event.

Inimbitahan sa nasabing event ang HIV prevention advocate and strong supporter na si Mr. Rhyme “Happy” Enriquez, a successful entrepreneur from Marikina who’s also running for Councilor of District 2.

Sa aming panayam kay Happy, sinabi niya na kung tutuusin ay wala sa isip niya ang pumasok sa pulitika. Pero napag-isip-isip niya na may maitutulong siya sa kanyang mga kababayan.

“Naisip kong tumulong, if not now, kailan pa?” ani Happy.

Kung tutuusin, kumportable naman daw silang nabubuhay ng asawang si Mary Rachelle Espina-Enriquez at ng lima nilang anak sa naipundar niyang negosyo, dahil mayroong 25 tourist bus ang kanilang Uandrea Travel Tours. Mayroon din silang shoe manufacturing, isang restaurant, at iba pa.

-Ador V. Saluta